Saturday, January 8, 2011

Makroekonomiks: Pagkompyut sa Buwis

Kung gusto mong malaman ang buwis na kinakaltas sa 'yo kada kinsenas, kailangang masagot ng "oo" ang sumusunod:
  • Alam mo ba ang kita mo kada taon (o yung tinatawag na annual income)?
  • Alam mo ba kung may asawa ka ba (married) o iilan ang anak mo o umaasa sa 'yo (number of dependents) o kung puno ka ng pamilya(head of the family)?
  • Alam mo ba kung ilang araw ng pasahod (paydays) kayo meron?
Para mas maunawaan ang aking sinasabi, tignan ang sitwasyon sa ibaba:

Si Sugar Ongcoy ay may asawa at dalawang anak. Siya ay nagtatrabaho sa isang kumpanya bilang isang empleyado at may sweldo siyang P 5,000 kada kinsenas (every 15th day). Magkano ang binabayarang buwis ni Sugar kada araw ng pasahod (payday)?


Solusyon:

Unang-una, kailangan natin malaman ang tax exemption ni Sugar. Ayon sa sinabi, siya ay may asawa at may dalawang anak. Ibig sabihin ay Married siya at may dalawang Dependents siya, so bale, kung titignan sa talahanayan:


Ayon sa New Tax Law:

P50 000  + 2(P25 000) = P 100 000
may asawa + may dalawang anak = exemption

Alam na natin ang exemption kaya ibawas natin sa kabuuang kita niya:

Kabuuang Kita (KK) = Sweldo kada kinsenas x Bilang ng Paydays
KK = P 5 000 x 24
KK= P 120 000

Ang depinisyon ng Tax Exemption ay nagsasabi na ito ang tagapagbawas ng buwis na ikukubra sa 'yo, so bale:

Taxable Income (TI) = KK-Exemption
TI = P 120 000 - P 100 000
TI= P 20 000

At yan ang taxable kay Sugar. Ngayon, tignan natin ang Tax Table:


Ano ulit yung taxable income (TI)? Diba P 20 000. So saang range siya nahuhulog?

Pumasok siya sa Range na Higit P 10 000 pero hindi hihigit sa P 30 000, kaya ang pormula na gagamitin (kung titignan sa Tax Table) ay:

Annual Tax = P 500 + 10 % of excess over P 10 000
Ano ung excess over P 10 000???

Ang excess over P 10 000 ay ang diperensiya ng iyong Taxable Income (TI) sa pinakamababang halaga sa range na pinasukan ng kita mo (sa atin na kung sa range na P 10 000 - P 30 000 ay yung P 10 000). So bale:

Excess (E) = TI - lowest range value
E = P 20 000 - P 10 000
E = P 10 000 <--- eto ang excess

Gagamitin ang excess sa pagkompyut ng taunang buwis ni Sugar. So bale:

balik sa range pormula ---> Annual Tax = P 500 + 10 % of excess over P 10 000
Annual Tax = P 500 + 10 % (P 10 000)
= P 500 + 0.10 (P 10 000)
= P 500 + P 1 000
Annual Tax = P 1 500

Ayan! Nakuha na natin ang taunang buwis na dapat bayaran ni Sugar. Ngayon ang tanong ay: Magkano ang binabayarang buwis ni Sugar kada araw ng pasahod (payday)?

Madali lang. I-divide mo lang sa bilang ng araw ng pasahod o payday meron si Sugar; so bale:

Tax every Payday = Annual Tax / No. of Paydays
= P 1 500 / 24
Tax every Payday =  P 62.50

Ayun ulet! Tapos na! So masasabi na:

Si Sugar ay nagbabayad ng P 62.50 na halaga ng buwis kada araw ng pasahod (payday) pwera ang iba pang kaltas tulad ng insurance, healthcare systems, atbp.

Naintindihan mo na ba?

Para di malimutan, heto ang buod ng pagkompyut:

  1. Alamin ang anwal na kita o kada kinsenas na kita ng tao, bilang ng mga araw ng pagpapasahod o payday, marital status niya, iilang umaasa sa tao, at kung ang tao ay head of the family ba o hinde.
  2. Tukuyin ang halaga ng tax exemption ng taong ito batay sa inpormasyong nakalap. Pagsama-samahin ang lahat ng exemptions na umaakma sa istatus ng taong ito. Gamitin ang Table 1: Tax Exemption.
  3. Bawasan ang anwal o taunang kita ng tao sa pinal exemption (lahat ng exemptions). Kunin ang diperensya. Ang diperensyang ito ang taxable income niya.
  4. Gamitin ang Table 2: Tax Table. Tukuyin ang range na pinasukan ng taxable income. Gamitin ang tumugmang pormula sa Table 2.
  5. Para kunin ang excess, tukuyin ang pinakamababang value ng range na natukoy. Tapos, kunin ang diperensya ng taxable income sa pinakamababang value na ito. Ang resulta ay ang excess.
  6. Gamitin na ang pormula. Gamitin ang excess value at ihalili sa pormula para makuha ang Taunang Buwis (annual tax). Ito na ang buwis.
  7. Kung gusto mo pan malaman ang buwis kada araw ng sweldo(payday), idivide lang ang annual tax sa bilang ng araw ng pasahod o payday.
Salamat sa sumusunod:
Hindi mabibigyan ng ganitong klaseng tulong ang mga kamag-aral ko ng di dahil sa inyo. Maraming Salamat!

9 comments:

  1. Ganun pala. Constant po ba yung excess over P 10 000? Lagi syang 10,000?

    ReplyDelete
  2. saan nyo po kinuha ang payday na 24 ? Naguguluhan po ako, student palang po ako. explain further po. slaamt

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
    2. ahhh,..mali...ang 24 ay ang bilang kung ilang beses kang tumanggap ng sweldo.. sa loob ng isang taon ay may 12 mos..sa isang bwan eh 2 beses nagpapasweldo..so 12 x 2 is 24...24 na bilang ng paydays

      Delete
  3. hindi constant yung 10k depende sa kung sang range pumasok yung taxable income at xempre yung excess

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. Hindi ko po talaga maintindihan kung bakit naging 24 ang payday. Paki-explain po, please. :) napaka-helpful po ng mga ganitong blog Sa katulad naming estudyante..

    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming salamt po sainyo, malaking tulong narin po ito saakin. GODBLESS PO!!!

      Delete